Miyerkules, Oktubre 12, 2016

Eco Tourism (eko-turismo)

Eco Tourism (eko-turismo)

   

ang ECO TOURSIM (eko-turismo) ay tumutuon sa responsableng paglalakbay para sa personal na pagunlad at pagpapanatili ng kapaligiran, ito ay  karaniwang nasasangkot sa paglalakbay sa mga destinasyong floral (o mga lugar na may iba't ibang klaseng bulak-lak at halaman), palahayupan, at mga kulturang pamana ay pangunahing atraksyon. Naglalayon din ito upang mag alok ang turista ng palagay para ikabubuti sa magiging epekto ng mga tao sa kapaligiran, at upang pagyamanin ang isang malawak na pagpapahalaga nag ating likas na tahanan. Responsable Ecotourism kasamang mga programa na i-minimize ang mga negatibong aspeto ng maginoo turismo sa kapaligiran at mapahusay ang kultural na integridad ng mga lokal na mga tao. Samakatuwid, bilang karagdagan sa pagsusuri ng kapaligiran at kultural na mga kadahilanan, ang isang mahalagang bahagi ng Ecotourism ay ang pag-promote ng recycling, enerhiya kahusayan, tubig konserbasyon, at paglikha ng mga pang-ekonomiyang mga pagkakataon para sa mga lokal na komunidad.Para sa mga kadahilanang ito, Ecotourism madalas Appeals sa Nagtataguyod ng pangkapaligiran at panlipunang responsibilidad.

Freedom of Information (FOI)


FREEDOM OF INFORMATION :)



Ang panukalang Freedom of Information Act (FOI) ay naglalayong isabatas ang pagbubukas sa mga mamamayan ng mga pampublikong dokumento. Ibinabalangkas din ng panukalang batas na ito ang mga eksepsiyon sa pagbubukas ng mga nasabing dokumento at mga hakbang para maakses ang mga pampublikong dokumento.

Gusto lang nito mailahad ang pagkakaron ng transparency ng sa gayon ay malaman ng publiko kung saan na pupunta ang mga buwis (tax) na kinukuha ng gobyerno sa bawat taong nagttrabaho at naninirahan sa bansa para sa pagpapaggawa infrastraktura at pag pagpapadevelop ng pampubilikong serbisyo ng ating bansa. 

Bakit gusto ito ipatupad? Sapagkat laganap ang korapsyon sa gobyerno bilang isang concerned citizen, sisikapin mong alamin kung saan napupunta ang pinaghirapan mong pera dahil kinukuha nila ito o kinakaltas ito sa sahod ng isang trabahador sa pilipinas at mga taong may malaking  ari-arian dito sa bansa. 

Ano ang Gender at Ano ang Sex?


Ano ang Gender at Ano ang Sex? 


Bago ang lahat kailangan muna nating i-identify ang pagkakaiba ng SEX AND GENDER.
Ang meaning po ng SEX ay tumutukoy sa bayolohikal at pisilohikal na katangian na tumutukoy sa mga kalalakihan at kababaihan.


At ang meaning naman po ng GENDER ay tumutukoy sa mga pag-uugali, gawain, at mga katangian na isinasaalang-alang ng naaangkop para sa mga kalalakihan at kababaihan sa isang naibigay na lipunan.


Ngayon kailangan ko munang sabihin kung ano ang ibig sabihin ng salitang (TRANSGENDER)
Ang salitang Transgender ay inassign ang iyong SEX ng doctor/magulang mo na lalaki/babae ka dahil sa nakita nila ang iyong SEX ORGAN. nakita nila na may ari kang panlalaki kaya nilagay nila na ang sex mo ay MALE and nakita nila na may ari kang pambabae kaya nilagay nila na FEMALE ka. In short hindi mo kagustuhan that time ang iyong SEX. Pero nung lumalaki ka na hindi na naaayun sa SEX ORGAN mo ang mga kinikilos,pamumuhay at mga pananamit mo. In short ito na yung kagustuhan mong kasarian (GENDER IDENTITY).


Ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian (kilala rin bilang gender equity, gender egalitarianism, o sekswal na pagkakapantay-pantay) ay ang layunin ng pagkakapantay-pantay ng mga kasarian o ng mga seks, na nagmumula sa paniniwala sa kawalan ng katarungan na may iba't ibang anyo ng hindi pagkakapantay-pantay sa kasarian
(GENDER EQUALITY).

Martes, Oktubre 11, 2016

Political Dynasty????

Ano ang Political Dynasty? 


DUTERTE ADMINISTRATION NAMAN!


Ayon sa Artikulo II, Seksyon 26 ng konstitusyon ng Pilipinas, “The State shall guarantee equal access to public service and prohibit political dynasty as may be defined by law.”

Sa partikular, ang monopolyo ng iilang pamilya na nakatatakbo, nananalo at nauupo sa poder ng pamahalaan ang sila-silang may hawak ng kinabukasan ng bayan. O mas madaling sabihing may hawak ng kinabukasan ng bayan para sa pampolitika at pang-ekonomiyang kapakanan ng “sila-sila.”

Sa anti-political dynasty bill na inilatag ng mga kongresista ng Bayan Muna Partylist tulad ni Neri Colmenares, binigyang-depinisyon ang political dynasty bilang konsentrasyon, konsolidasyon o pananatili sa pampublikong opisina at politikal na kapangyarihan ng mga magkakapamilya o magkakamag-anak. Kasama rito ang halinhinan o salit-salitang pagtakbo at pag-upo sa politikal na posisyon ng mag-asawa o magkamag-anak.

Sa orihinal na konteksto, ang salitang “dynasty” ay nangangahulugang pamumuno o pampolitika at pang-ekonomiyang kapangyarihang namamana o naipapasa sa loob lamang ng isang pamilya o clan sa panahon ng pyudalismo. Successor o tagapagmana ang tawag sa “susunod sa linya” ng pamumuno sa kaharian o imperyo. Walang eleksyong kinakailangan, kundi ang “pyudal na pribilehiyo” lamang ng dugo (blood line) na nagtitiyak ng kapangyarihan ng pyudal na pamilya ang kailangan.

Ngunit sa kasalukuyan, kahit mayroon nang halalan, kapansin-pansin ang monopolyo ng iilang pamilya sa politika ng bansa. Silang nakatatakbo sa eleksyon ay nagmumula sa iilang pamilya lamang. Silang nakatatakbo sa halalan ay sila ring matagal nang may kapangyarihang pampolitika at kapangyarihang pang-ekonomiya.

Kapansin-pansin ang ilang dekada nang paghahari-harian ng mga political dynasty na ito. Sa bawat probinsiya o siyudad ay may iisa o iilang pamilya lamang ang nagsasalit-salit sa puwesto. Nagtatagisan ang mga pamilyang ito para sa politikal na posisyon, at madalas na tinatawag na “baluwarte” ang lugar na may direkta at malawak na gahum (kapangyarihan) ang mga dinastiyang politikal.

Human Rights (Karapatang Pantao)





(Human rights)  o Karapatang Pantao  - ano nga ba ang ibig sabihin nito?

       
ito lamang ang tumutukoy sa payak na mga karapatan at mga kalayaang nararapat na 
matanggap ng lahat ng mga tao. kabilang dito ang karapatang mamuhay at kalayaan, kalayaan sa pagsasalita, pagkakapantay pantay sa harap ng batas para sa panlipunan, mga pangkalinangan o pangkabuhayang karapatan kasama ang mga karapatang makilahok sa kultura, karapatan sa pagkain, karapatang makapag hanap buhay at karapatan sa edukasyon.


lahat ng ito'y mahalaga sapagkat ito'y karapatan kung saan magagawa nya ang mga bagay na gusto nyang gawin na napapaloob sa batas na hindi pinagbabawal ngunit ito ang bagay na legal na dapat pahalagahan at isabuhay para sa ikauunlad ng sarili sa bawat mga tao.

Positibo at Negatibong Epekto ng Urbanisasyon



Urbanisasyon, base sa aking pagkakaintindi ito ang proseso ng isang lugar kung saan unti unti itong na dedevelop at lumalaki ang bilang ng populasyon ng mga taong naninirahan dito at nagttrabaho. Specifically "shifting from Rural to Urban areas".. 

So ang urbanisasyon ay may positibo at negatibong epekto una sympre ang una dito ay ang malaking tiyansang mkahanap ng magandang hanapbuhay, mabilis na transportasyon, magandang klaseng tirahan at lugar na pagtitirhan, magandang klaseng paaralan, maraming ospital , maraming pagkukunan ng makakain, maraming mga bagay na mabibilhan, at marami pang benipisyo ang makukuha dito. Ngunit hindi lahat ay postibo meron din itong negatibong na idudulot katulad nga ng pag taas populasyon, matinding trapik sa daan, karahasan sa labas ng bahay, kahindik hindik na polusyon, mga sakit ng mabilis makahawa sa mga tao, at kakulangan sa mga physical activities dahil nadin sa laganap ang teknolohiya rito. ang isang malaking rason kung bakit may urbanisasyon ay dahil bilang isang mamamayan gusto natin umunlad, guminhawa o di kaya'y gusto natin maging matiwasay at ma enjoy ang ating buhay buhay.

Global warming leads to (Climate Change)

Climate Change ang abnormal na paginit ng mundo ( global warming ) ang itinuturong dahilan kung bakit madaalas ang pabago-bago ng panahon which is na nagdudulot ng masamang epekto sa ating kalusugan, kalikasan, at pang araw araw na pamumuhay




halimbawa : Dahil sa matinding pag ulan ay binabaha ang mga lugar na dati naman ay hindi tulad ng mga sakahan, at ang pagkasira ng mga pananim na nagdudulot ng kakulangan sa suplay ng bigas at gulay sa bansa. 
 
nagdudulot din ang pagbaha ng ibat ibang pagkalat ng sakit katulad ng dengue at leptospirosis dahil sa pagdami ng mga lamok o ihi ng daga.
pagkakaron ng tagtuyot na nagdudulot ng pagkasira ng mga pananim at pagkamatay ng mga alagang hayop na pinagkukunan ng poultry products.



Sanhi ng global warming ay ang maling gawain ng tao, na kung saan inaabuso ang ating kalikasan katulad ng pagputol ng mga puno, mga basurang hindi nasasaayos ang pagtapos at mga usok na binubuga na nangagaling sa pabrika at mga sasakyan, at paggamit ng kemikal na 
Chloroflurocarbon (CFC) na nkakapagpanipis ng ozone layer